Cancion : Panaginip Artista : Crazy As Pinoy Album : Rappublic Of The Philippines Vol. 1 Url : https://www.letras10.co/letra-panaginip-de-crazy-as-pinoy Intro Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok Kahit mainit, malamig basta't napasandal Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita Kahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya Buong hacienda, ipapamana sa iyo Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako Chorus Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa 'Pagkat nadarama'y ligaya Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay 'Pagkat ikaw ay aking mahal Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin 'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw 'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw Napahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala Binale-wala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising [Repeat Chorus] 3RD stanza background Nasa'n ka man ngayon Nais ko malaman mo Hinahanap-hanap ko Kinakabahan, iyong halik Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa 'Pagkat nadarama'y ligaya Lahat ng maisip mo'y aking ibibigay 'Pagkat ikaw ay aking mahal [With 3RD stanza background] Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang 'Di na nga makapaghihintay, pahalik naman, isa lang, isa lang, isa lang Ha, ha ha ha ha ha ha, he he he Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising Na para bang duling, para bang lasing na napraning Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating Ang minimithi, abot-kamay, walang wala ito sablay Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay Mga halik hanggang buhay, mga halik kahit patay Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuang dahil sa 'yo Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito [Repeat Chorus] Coda Mahal 'Pagkat ikaw ay aking mahal Hah hah hah haah ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================