Cancion : Pag Natatalo Ang Ginebra Artista : Gary Granada Album : Legends Series: Gary Granada Url : https://www.letras10.co/letra-pag-natatalo-ang-ginebra-de-gary-granada [Verse 1] Sinusundan ko ang bawat laro Ng koponan kong naghihingalo Sa bawat bolang binibitaw 'Di mapigilang mapapasigaw Kahit hindi relihiyoso Naaalala ko ang mga santo O San Miguel, Santa Lucia Sana manalo ang Ginebra [Verse 2] Sa Coliseum at Astrodome Nakikisiksikan hanggang bubong Nang-aalaska at nanggugulo Pag nagfi-free throw ang katalo Ang barangay ay nagdiriwang Halftime ay kinse ang aming lamang Cameraman, huwag mo lang kukunan Si senador at congressman [Chorus] Pagbigyan nyo na ako Paminsan-minsan lang ito Gumaang ang nabibigatang puso Pagbigyan nyo na ako Sa munting hilig kong ito Kung hindi, baka mag-away pa tayo [Verse 3] Nang second half ay mag-umpisa Puro palpak ang tira nila Offensive foul si Noli Locsin At si Gayoso, na-traveling Sa kakaibang shorts ni Jaworski Ay ipinasok ang sarili Kalagitnaan ng fourth quarter Tabla ang score, 88 all [Verse 4] Drive ni Pido ay nasupalpal Defense nila, na-technical Parang gumuho ang aking daigdig Nang maagawan si Bal David Nang bumusina ng last two minutes Three points ni Hizon ay nag-mintis Kunsumisyon ay nagpatong-patong Graduate si Marlou at si Ong [Chorus] Pagbigyan nyo na ako Paminsan-minsan lang ito Gumaang ang nabibigatang puso Pagbigyan nyo na ako Kahit na kahit paano Sumaya ng bahagya itong mundo [Verse 5] Twenty-four seconds, lamang ng lima Ang kalaban, bola pa nila Dumidilim ang aking paningin Ang tenga ko ay nagpapanting Bumabalik sa aking isip Ang nakaaway ko noong Grade Six Parang gusto ko nang magkagiyera Pag natatalo ang Ginebra [Verse 6] Galit ako sa mga pasista Galit ako sa imperyalista Feel na feel kong maging aktibista Pag natatalo ang Ginebra ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================