Cancion : Rotonda Artista : Gloc-9 Album : Rotonda Url : https://www.letras10.co/letra-rotonda-de-gloc-9 Kaliwa man o kanan ang iyong daanan Iisa lang ang papupuntahan Hindi daw hagdanan lang ang labasan Ang lahat ay daraanan na Parang rotonda lang Ang tawag nila sa'kin ay Congressman Luplop Makapangyarihan, palaging nasa tuktok Kahit magnanakaw ako ay iniluluklok Kasinungalingan lang ang idinudukdok Ako ay may asawang ang dating ay parang artista Mga anak na Atenista't Lasallista 'Di yan mahalaga Ako ay may problema Dahil nananaginip Isa lamang ang istorya Ako daw ay taga-Lerma May asawa na si Thelma Ang aking palayaw ay Boy Libangan ko ay pusoy Kamay ko laging may eczema Sila pala aking mga anak Nene at totoy na nakayapak Teka tanghali na pala, medyo nakakatawa Nagising ako na huli na (Kaliwa man o kanan ang iyong daanan) Iisa lang ang papupuntahan Hindi daw hagdanan lang ang labasan Ang lahat ay daraanan na Parang rotonda lang Maraming kaugali si Congressman Luplop 'Pag nagalit basta na lamang nanununtok Ang lahat ng kanyang kayamana'y gabundok 'Pag naunahan sa trapik ay nanunutok Siya ay may kalaguyo na gustong maging artista Kung pagmasdan ay elitista Walang patid na dilema Sa kanyang panaginip ako ang kanyang asawa Isang dakilang labandera Ang pangalan ko ay Thelma Tawagin mo na nga si Boy Naglalaro ng pusoy Baka ipatalo ang pera Para pagkain ng mga anak May mga totoy na umiiyak May pag-asa pa kaya Lahat ay naitaya Sa buhay namin na inukit lang (Kaliwa man o kanan ang iyong daanan) Iisa lang ang papupuntahan Hindi daw hagdanan lang ang labasan Ang lahat ay daraanan na Parang rotonda lang Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot Parang rotonda lang Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot Parang rotonda lang Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot Parang rotonda lang Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot Parang rotonda lang Ganun pa din ang panaginip, na umuulit Pag huminto ay siguradong may karugtong na guhit Tuloy-tuloy, hanggang sa aking mabuo Nang madaanan ang lugar Alam kung saan ihihinto Pagtindig ko na parang ako'y taga roon Pagbili ko may batang may gusto ng pulburon Sa lugar na masukal at madilim Mamasamasang pinto na parang gustong katukin Ano nga kaya matandang babae nang tumingin Maluha-luha ako'y sinimula nyang sagutin at tulala kong Hinahanap mo si Boy, matagal na siyang tinaboy Pababa sa lupa Anim na talampakang kumonoy Dinukot siya ng pulis sa madaming kadahilanan Kaso lang sa totoo lang ayaw ko malaman Kahit parang alam ko na Mahirap ang magtaka Dahil buhay namin ay di naman nalalayo sa iba Nakakangawit umasa, nakakapagod mangarap Maghanap parang itim na ulap sa alapahap Aambunin, uulan Hanggang sa mamuo Paulit-ulit ang eksena Kahit bago ang yugto Sa palabas na ang bida ay paghihirap Pagbuno sa araw-araw na maraming sikmurang kumukulo Nakulong na si Totoy Si Nene naman ay bayaran Tanaw sa bukas ng marami sa ami'y ganito na lang Lumangoy sa panaghoy Sa panaghoy ka lumangoy Bali-baligtarin man na parang baraha sa pusoy Di bagay dito ang tisoy Sarili ko'y tinaboy Parang napaso nung ako'y nang tawagin nya ako na Boy Kung kunin sa aking mukha Tanakang umukol at sinasadya Laging sinasalo ng sanga at dahon ko Maraming bukol sa aking mukha Dahil ang puno ko'y hitik ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================