Cancion : Gaano Kadalas Ang Minsan Artista : Lani Misalucha Album : The Nightingale Returns (Sings the Greatest Filipino Songbook) Url : https://www.letras10.co/letra-gaano-kadalas-ang-minsan-de-lani-misalucha Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? 'sin dalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hangan Dahil sa labi ko'y lagi mararamdaman Kahit sandali halik mo'y dumampi, minsan Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa 'kin 'sin dalas ng walang wakas, saglit man magpisan Dahil sa ganoon paraan lang mag-iisa Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin dalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin dalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================