Letra Ay Buhay de Dong Abay

Letra de Ay Buhay

Dong Abay


Ay Buhay
Dong Abay
(0 votos)
tambay sa tulay
ang matandang pilay
akbay ang saklay
mata'y matamlay
ay buhay

ngalay na ngalay
kanyang kanang kamay
panay ang antay
grasyang ibigay ay buhay

ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
walang humpay sa hanapbuhay
ang lagay matirang matibay
ang lagay matirang matibay ay buhay

laway at kaway
awa ang taglay
sanay magpatangay
ang nanlulupaypay
ay buhay

sabay ang sakay
sa sanlaksang ingay
lantay na lumbay
latay sa malay
ay buhay

ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
walang humpay sa hanapbuhay
ang lagay matirang matibay
ang lagay matirang matibay ay buhay

ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
walang humpay sa hanapbuhay
ang lagay matirang matibay
ang lagay matirang matibay ay buhay


Comparte Ay Buhay! con tus amigos.


Que tal te parece Ay Buhay de Dong Abay?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente