Letra Dapat Ka Bang Mahalin de Donna Cruz

Letra de Dapat Ka Bang Mahalin

Donna Cruz


Dapat Ka Bang Mahalin
Donna Cruz
(0 votos)
Bakit ba halos lahat sila
Ay nagpapayong ‘di ka dapat mahalin?
Kahit pa ipagtanggol kita
Ang paliwanag ko ay ‘di nila pansin

‘Di ba raw ako sa ‘yo'y nabubulagan?
Mas higit pa raw ang kahit sinuman,
Kung alam nilang kundi dahil sa ‘yo
‘Di kailanman liligaya ng ganito

Dapat ka bang mahalin, dapat nga ba?
‘Di ka raw marunong magmahal
Kahit dapat o hindi, batid ng Maykapal
Ang aking mahal, kailan pa ma'y ikaw

‘Di nila nauunawaan pa
Na ang nagmamahal ay ‘di mapaghanap
Kahit ka ‘sang sinungaling pa
Ang masawi sa ‘yo'y aking matatanggap

Alam kong ako'y hindi nabubulagan
Iibigin ka magpakailan pa man
Huwag silang magtatanong kung ika'y dapat
Mahalin ko ng walang kasing-tapat

Dapat ka bang mahalin, dapat nga ba?
‘Di ka raw marunong magmahal
Kahit dapat o hindi, batid ng Maykapal
Ang aking mahal, kailan pa ma'y ikaw

Dapat kang mahalin
Dapat kang mahalin


Comparte Dapat Ka Bang Mahalin! con tus amigos.


Que tal te parece Dapat Ka Bang Mahalin de Donna Cruz?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente