Kapag nag-iisa't kasama ang gitara
Basta't dumarating ang kanta
Awiting maaari ring kung may kasama
Tambol mo ay butas na lata
Sabayan ng sipol ang bawat pasada
Huminga ka ng malalim at sabay ang buga
Kabag buo na't handa na ang lahat
Sabay-sabay ang pasok sa bagsak ng paa
Heto na, heto na, heto na...
Hindi naman kailangan boses mo'y maganda
Basta't may konting tono madaling makanta
Kung medyo sintunado ay hayaan mo na
Ang nais lang ng tao ay ang konting saya
Ihanda ang tropa at tambol na lata
Kaskasin mo ng mabuti ang dalang gitara
Kapag buo na't handa na ang lahat
Huminga ka ng malalim at narito na
Heto na, heto na, heto na...