Letra Kaibigan de APO Hiking Society

Letra de Kaibigan

APO Hiking Society


Kaibigan
APO Hiking Society
(0 votos)
Kaibigan, tila yata matamlay ang ′yong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan
Kung ang problema o suliranin ay lagi mong didibdibinAy tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay mo at nabigla
Sinamba mo siya, binigyan mo ng lahat at biglang nawala
Ang buhay mo′y alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako′y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami, marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw s′ya, napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan, mababait at ′di naman pihikan
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako′y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw s'ya, napasama sa iba′t napaibang landas
Marami pang malalapitan, mababait at 'di naman pihikan
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa


Comparte Kaibigan! con tus amigos.


Que tal te parece Kaibigan de APO Hiking Society?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente