Letra Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman de Gary Granada

Letra de Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman

Gary Granada


Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman
Gary Granada
(0 votos)
Sabi nga n′ya, "Sana ang buhay laging tama o mali
At ang katanunga'y simpleng oo o hindi"
Kung gano′n dalangin kong ikaw ay mamalagiSa pinakatangi mong pinakamimithi

Ngunit, pa'no kung ang hinahanap mong ligaya
Ay nagkataong nalaman mong naro'n pala
Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa ′yo?
Pa′no ba mananatiling totoo?

Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin?
At paano ka pipili kung wala kang pipiliin?
Ano ang gagawin ng pusong 'di mapagbigyan?
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paruparong paroroo′t paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman

Pa'no ka magpapasya? Pa′no mo mapagkasya?
Pa'no ba mapag-isa ang isa′t isa?

Kung isang araw magtalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso, minsan ay magdal'wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa′t pag-asam
Sa dulo′t bungad ng pinagtagpo, natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman

Ano ang sukatan? Alin nga ba ang mas mabigat
Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat?

Kung isang araw maghalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso, minsan ay magdal′wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam
Sa dulo′t bungad ng pinagtagpo, natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman

Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang
Na nalilibang, na naggigibang naninimbang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman?


Comparte Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman! con tus amigos.


Que tal te parece Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman de Gary Granada?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente