Cancion : Saludo Artista : Quest Album : Life Of A Champion Url : https://www.letras10.co/letra-saludo-de-quest Ito ang alay ko, ito ang istorya mo Alamat na kailangan makilala ng buong mundo Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang Pasasalamat at ika'y isinilang Di pangkaraniwang para siyang superhero Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap Parang pelikula, action, adventure, drama May konting comedy, love story na pang masa Galing sa wala akala mo talo na tapos, Yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy) Ito ang araw mo, bayaning pinoy Saludo Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay Saludo Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila Saludo Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat dumaan kayo sa tamang landas Saludo Kami sa inyo ay saludo, saludo Walang balak sumuko, walang planong gumuho Tagumpay lang, walang iba binigay nya buong puso Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso Ang buhay positibo, agresibo mismo Kaya pinarangalan syang Bayaning Pilipino Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto Inabot nya ang ginto Ngayon tahimik na lahat ng kritiko Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo Hanggan nag-trending, ang daming likes, di na makalimutan Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan, Binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan Buhay na buhay, walang humpay Tagumpay, Saludo Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay Saludo Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila Saludo Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat dumaan kayo sa tamang landas Saludo Kami sa inyo ay saludo, saludo Sabi daw walang pagasa pero tinapos Sabi daw imposible pero di pa rin natakot Sabi nila mahirap pero nag pursige Kaya ngayon lahat sila sige lang sige Nung lahat umurong, siya sumugod Nung lahat lumubog, siya ‘di nalunod Natutong maglakad sa tubig pananampalataya Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya Saludo Paglaki ko gusto ko maging katulad mo Saludo Maipagmamalaki sa buong mundo Saludo Ikaw ang dahilan kung ba't hindi ako susuko Saludo Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat Saludo Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay Saludo Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila Saludo Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat dumaan kayo sa tamang landas Saludo Kami sa inyo ay saludo, saludo ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================