Cancion : Tagay Artista : Quest Url : https://www.letras10.co/letra-tagay-de-quest Iba't ibang kwento Iba't ibang simula Pero isa lang ang sentro Tagumpay ng bawat isa Ano man ang hamon Hindi nangangamba Kahit hamunin ng takot Hindi ito tutumba Kilalang palaban ‘di nag-aalangan Sugod lang sa pangarap ano man ang daan Sa init at lubak, sa hirap at lumbay Dirediretso lang sa tagumpay Para sa tapang na tunay Para sa tibay at husay Isang tagay sa mga ganado sa buhay Para sa pusong lalaban Pangarap, pamilya at bayan Isang tagay sa mga ganado sa buhay Ilang beses mang tumumba Malagay man sa pangamba Lahat yan hindi uubra Kitang kita ang angas sa mata ‘Di natatalo, dahil natututo Kahit mapagod walang balak sumuko Hindi matitibag ang pag-asa Dahil sama-sama sa pag-arangkada Kilalang palaban ‘di nag-aalangan Sugod lang sa pangarap ano man ang daan Sa init at lubak, sa hirap at lumbay Diretso lang sa tagumpay Para sa tapang na tunay Para sa tibay at husay Isang tagay sa mga ganado sa buhay Para sa pusong lalaban Pangarap, pamilya at bayan Isang tagay sa mga ganado sa buhay Ikaw, ako, tayo makabagong bayanihan Samahang hindi mabubuwag, kapatiran Anu man ang kalaban madami man yan o higante Never say die lang ang sinisigaw palagi ‘Di mo masisindak, ‘di mo malilinlang Ika'y makakatiyak ‘di mapipigil ang pangarap Pag-ibig ng ganadong palaban laging may paraan Dirediretso lang ano man ang daan Hindi pwedeng bahala na lang Kailangang planado ang laban Nakatutok at nakaabang Pangarap, pamilya at bayan Tunay na mandirigma isip, puso at diwa Pilipinong ganado itaas ang bandila Pilipino ako, ganado ako Matapang ako, lalaban ako Pilipino ako, ganado ako Matapang ako, lalaban ako Para sa tapang na tunay Para sa tibay at husay Isang tagay sa mga ganado sa buhay Para sa pusong lalaban Pangarap, pamilya at bayan Isang tagay sa mga ganado sa buhay ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================