Cancion : Unang Hakbang Artista : Quest Url : https://www.letras10.co/letra-unang-hakbang-de-quest Ayoko na dito Sawa na ko dito Hingang malalim Damhin ang hangin Tingala sa langit Di pa to tapos Meron pang galit Inamo Inakit Paasa Pasakit Pusong naghikahos Kumapit ako Kahit ano gagawin ko Pero bakit ganto? Nangyari sayo? Bakit ako? Pwede na kong sumuko Dito na lang sa dulo Pero sinubukan kong matuto Yung di na mababago bitawan mo na Sa paghilom ng sugat may bagong simula Maniwala ka man o hindi Lahat yan ay merong silbi, sige... Pwede ka nang kumawala Dyan sa rehas mong gawa-gawa Wag nang magpanggap na nawawala Wala namang mawawala kung magsimulang muli Pagbigyan mo ang bukas Wag kang matakot umusad Kapag nahanap ang lunas ang nakaabang ay walang katulad Ang puso'y namulat May mga patunay na sugat Mas malakas ka na ngayon tumingala ka sa ulap Kwento ng tagumpay Ang pinakahihintay 'Kala mo tapos na Muntik ka pang bumigay Ngayon nagdiriwang ang langit Simulan mo na ulit umawit Ibaon ang noon para sa ngayon unang hakbang Kung gusto mo ng bago iwanan mo yan Hilumin ang sugat, ito lang ang paraan Maniwala ka man o hindi Lahat yan ay merong silbi, sige Pwede ka nang kumawala Jan sa rehas mong gawa-gawa Wag nang magpanggap na nawawala Wala namang mawawala kung magsimulang muli Buksan mo ang yong mga mata Para hindi ka na nangangapa Di mo na kailangan pang mangamba Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================