Cancion : Walang Hanggan Artista : Quest Album : Life Of A Champion Url : https://www.letras10.co/letra-walang-hanggan-de-quest Gulong gulo ang puso Saan ba 'to patungo? Di ko alam Di ko alam Hinarap lahat ng balakid Pero bakit walang kapit Ang mga pangakong binitawan? Di ko alam Di ko alam Noong ika'y nilalamig, ako'y iyong init Kapag takot sa bukas, ako'ng unang sisilip Ginawa ko na ang lahat Di pa din sapat kasi ika'y mawawala na Nawalan ng gana ang tadhana Nanlalamig 'yong dating nagbabaga Kung maibabalik lang sana Titiisin ko na kahit paulit-ulit Tapos pipilitin ko na di maulit Ang masulyapan mo yung dulo Akala ko walang hanggan pero may dulo Bawat segundo sa aking puso iuukit Lahat ng alaala aking iguguhit Para makalimutan mong may dulo Ang sabi mo walang hanggan Pero eto tayo sa dulo Kailan ka ba napaso? Nanlalamig na ang iyong braso Bakit ganyan? Bakit ganyan? Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit Saan galing ang galit? Mayroon bang nang-aakit? Kailangan ko lang malinawan Bakit ganyan? Bakit ganyan? Handang panindigan lahat ng ating plano Sigurado kahit di kabisado Gagawin ko ang lahat. Walang pake kung di sapat Kasi ikaw ay mawawala na Nawalan ng gana ang tadhana Nanlalamig iyong dating nagbabaga Kung maibabalik lang sana Iindahin ko ang sakit na gumuguhit Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit Baka masulyapan mo yung dulo Kasi sabi mo walang hanggan, Ba't merong dulo? Ibibigay ko ang lahat paulit ulit Bawat pagkakataon ay aking isusulit Basta matalikuran mo yung dulo Ang sabi mo walang hanggan Ba't na'ndito tayo sa dulo? Oh Ohhh sa dulo Oh oh ohhh 'Wag ka munang tumalikod. Bumalik ka muna dito Padampi kahit anino. Ayokong mag-isa dito Wala na bang bisa aking dalangin? Tinataboy na ba ng langit? Nakikiusap na lang sa hangin Ngayon wala ka na sa akin Ohhh Bakit ba biglang meron tayong dulo? Pangako mo walang hanggan Bakit nandiyan ka sa dulo? Pwede bang kalimutan mong may dulo? Handa 'ko sa walang hanggan Pangako mo walang hanggan Akala ko walang hanggan. Pero eto tayo sa dulo Kung ika'y mawawala sa aking piling, Dinggin mo aking bilin. Lingon ka lang paminsan minsan. Dito lang ako Di ako lilisan Sa aking dulo, di ako lilisan ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================