Cancion : Tuwing Umuulan Artista : Regine Velasquez Album : Kailangan Ko'y Ikaw- OST Url : https://www.letras10.co/letra-tuwing-umuulan-de-regine-velasquez La... Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak Sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot Sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda Kasabay ng hanging kumakanta Maaari bang huwag ka nang Sa piling ko'y lumisan pa Hanggang ang hangi't ula'y tumila na CHORUS 1: Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na oh Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi CHORUS 2: Minsan pa ulan bumuhos ka Huwag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo Dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka La la la... Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi REPEAT CHORUS 1 REPEAT CHORUS 2 La la...Ooh hey... ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================