Cancion : Kritikal Artista : Stick Figgas Album : Critical Condition Url : https://www.letras10.co/letra-kritikal-de-stick-figgas [Hook] Sawang-sawa ka na ba sa Mga kamalasan na nangyayari sa ating bayan na nasa Bingit ng kamatayan sa pagkakaparalisa Wala na bang pag-asa lahat magkaisa [Loonie] Kahit mga paniniwala ay magkaiba 'tang ina naman kasi wala namang iba Puro nalang makupal at barubal ang ating mga Pinuno na wala nang ginawa kundi ang Magsugal habang tayo'y binabaha At isa pa lahat tayo bakit ba nagnanars Nangingibang bansa kahit pa magkasars Dahil sa buwis at sahod ay balewala kaya pala Nangangayayat na pati daga sa aming tahanan Na wala nang makain kundi de-lata Kelangan ko si Peter Pan at ang kanyang diwata Wala kong kinikita sa dami ng pirata na Lahat pinapatulan at walang kinikilala Bakit 'di mapaalis ng pulis, hindi ba kaya? 'Di ba dapat ang pirata takot sa buwaya? 'Di ako naniniwala na ako'y malaya [Hook X2] [Ron Henley] Sinong ma bayag? Tara makisa ma ka sumama samin Sabay-sabay tayong makibaka laban sa mga sugapang Walang ginawa kundi magpayaman gamit ang pera na dapat ay sa bayan Sino bang kalaban? Kundi itong mga pultikong walang ibang iniisip kundi sarili lamang Abala sila sa pagpapayaman habang nasa kritikal Na kalagayan ang ating bansa tila napahiga sa higpit Ng sinturon di na makahinga sa gulo ng sitwasyon Ang dami nang sumasawsaw Kaya tuloy katotohanan lalo lang lumalabnaw Kahit na madami na ang tao na umaayaw patuloy pa Rin sya sa pagsayaw Kaya naman ayoko ng bomoto nakakawalang-gana na Kung mismo ang ipapalit na ganun din ang kagaya nya [Hook X2] [Loonie & Ron Henley] Bakit ba mga kanta natin ay laging banatan? Magpakasaya tayo para maiba naman Puro debate kung sinong pinakamatigas Tapos pag-aawayan pa kung may hiphop ba sa Pinas Magkaisa! Ha? Asa ka pa men Wala ka na ngang makain gangsta ka pa rin Ang sarap sapakin Mukhang mga tangang dukhang walang alam kulang Nalang ay magpatayan na parang daga at pusang Nagkrus ang daan Sus naman puro nalang "Who's the man?" Hiwa-hiwalay na parang sinargo ni Bustamante Pwede bang wag mo kong husgahan, p're Di ka papalakpakan ng mga Lasallista Tapos ay ngangaratan ka ng mga rakista Kulturang mas watak-watak pa sa ating mga isla Tapos guguluhin mo pa, taragis ka! [Hook until fade] ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================