Cancion : Larawan Ng Pagsinta Artista : Sylvia La Torre Album : Arimunding-Munding Url : https://www.letras10.co/letra-larawan-ng-pagsinta-de-sylvia-la-torre Alaala ko n’ong ako ay munting bata Ang pangarap ko’y isang manika N’ong magkaroon ang puso ko’y tuwang-tuwa Kahugis ko raw ang mukha Mangyayari ang hangarin Kung tunay ang tanging dalangin Pag dakila ang paggiliw Ang ligaya ay walang maliw Nang magdalaga ang sabi ng aking nanay Ang puso’t puri ay iingatan Tulad ng manika ang puri sa suyuan Kay pangit pag nalamatan Mangyayari ang hangarin Kung tunay ang tanging dalangin Pag dakila ang paggiliw Ang ligaya ay walang maliw Nang mag-asawa sa kandunga’y may manika Pinaghehele ng buong tuwa Kahawig ko raw ang mukha pag tumatawa At larawan ng pagsinta Mangyayari ang hangarin Kung tunay ang tanging dalangin Kung dakila ang paggiliw Ang ligaya ay walang maliw ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================