Cancion : Unti-Unti Artista : Up Dharma Down Album : Unti-Unti Url : https://www.letras10.co/letra-unti-unti-de-up-dharma-down Unti-unting naglalapit Ang ating mga mundo Pag-asa ay ating bitbit Maligaya’t walang takot Ang saya at pagsinta’y Tila walang kapantay Inaabangan ang bawat pagtagpo Walang mintis ang tuwa Sating dalawa Hinamak ang lahat Unti unting nawawala Ang iyong mga salita Dahan dahang naglalaho Ang lahat ng pangako Napapansing lumalayo Ang 'iyong tingin Di na alam ang dapat kong gawin Tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin Ang tamis at aruga Na laganap sa simula Ngayo'y nabaon na Sa puso't isip na mapait 'Di na maibabalik Sa unang araw Ang pait at ang sakit Na dati'y wala naman Ngayon ay hindi na mailagan Ang tanong na walang sagot Luha ang nadudulot Sa ating mga mata Hahanap-hanapin Ang mga bulong sa gabi Ulit-ulitin Ang bawat kwento at sikreto natin Hanggang wala na Ang luha sa puso ko Hanggang sa muli Tayo rin ang magtatagpo ========================== Letra descargada de Letras10.co ==========================