Letra Food Trip de Radioactive Sago Project

Letra de Food Trip

Radioactive Sago Project


Food Trip
Radioactive Sago Project
(0 votos)
[Intro]
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Bawang na China, pechay na Malaysia
At saka meron pa, presidenteng tanga
Itim na tanim, may dugo sa salamin, may dugo sa sandok, mas mura ang banyagang manok, may libreng sakit, may dugo sa iyong kape, paano ka nakakatulog sa gabi
Sibuyas na stateside, ubas na may cyanide
At salamat nalang sa gobyernong halang
Pansit na Hong Kong, Italyanong tahong
At sa paligid-ligid ay maraming tanong
[Verse 1]
Nako mare, ang mura-mura ng sibuyas ngayon
Nako mare, ang mura-mura ng bawang
Ang mura-mura na, ang mura-mura na
Dali-dali na magisa, ang dali-dali na magisa
Ang bansa natin daan-daang ginigisa
Ang taong-bayan piniprito ang sariling dugo at pawis
Pero di bali masarap naman, masarap naman kung konting dugo ang–
[Chorus]
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
[Verse 2]
Ang sarap-sarap kumain ng murang gulay
Ang sarap-sarap din kumain ng murang-murang buhay, patay na ang mga palayan, habang nagtatabaan ang mga taga-Malacanang
Naka-Amerikano ang berdugo, okay lang, maganda namang merkado pero may dugo sa–
[Chorus]
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote
[Outro]
Nagugutom ka na ba?
Nagugutom ka na ba?
Nagugutom ka na ba?
Nagugutom ka na ba?
Nagugutom ka na ba?


Comparte Food Trip! con tus amigos.


Que tal te parece Food Trip de Radioactive Sago Project?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente