Letra Katulad Ng Iba de Gloc-9

Letra de Katulad Ng Iba

Gloc-9


Katulad Ng Iba
Gloc-9
(0 votos)
Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka at makialam
Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon
Ayoko nang maligo, tapos na ko kahapon
Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon
Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon
Palaging walang kibo, tahimik sa gabi Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi
Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli Anak bakit ka tulala?
Lumalamig na ang kape
Di ko alam ang gagawin, ayoko ng pumasok
Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok?
Merong mga nangyayari satin sa paaralan Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyon

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam

Ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha?
Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura
Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa
Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba
Unipormeng maputi, papahiran ng dumi Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi
Minsan ako'y napapa-isip, di ko maisang tabi
Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni
Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan
Nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan
Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan

Ang ibinababa ang siyang tinataas
Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
Ang ibinababa ang siyang tinataas
Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam

Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba


Comparte Katulad Ng Iba! con tus amigos.


Que tal te parece Katulad Ng Iba de Gloc-9?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente