Letra Larawan Ng Pagsinta de Sylvia La Torre

Letra de Larawan Ng Pagsinta

Sylvia La Torre


Larawan Ng Pagsinta
Sylvia La Torre
(0 votos)
Alaala ko n’ong ako ay munting bata
Ang pangarap ko’y isang manika
N’ong magkaroon ang puso ko’y tuwang-tuwa
Kahugis ko raw ang mukha
Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Pag dakila ang paggiliw
Ang ligaya ay walang maliw
Nang magdalaga ang sabi ng aking nanay
Ang puso’t puri ay iingatan
Tulad ng manika ang puri sa suyuan
Kay pangit pag nalamatan
Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Pag dakila ang paggiliw
Ang ligaya ay walang maliw
Nang mag-asawa sa kandunga’y may manika
Pinaghehele ng buong tuwa
Kahawig ko raw ang mukha pag tumatawa
At larawan ng pagsinta
Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Kung dakila ang paggiliw
Ang ligaya ay walang maliw


Comparte Larawan Ng Pagsinta! con tus amigos.


Que tal te parece Larawan Ng Pagsinta de Sylvia La Torre?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente