Letra Sino Ang Baliw de Kuh Ledesma

Letra de Sino Ang Baliw

Kuh Ledesma


Sino Ang Baliw
Kuh Ledesma
(0 votos)
Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman
Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
Ooh.....Ahh.......
Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
Kaya't sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw


Comparte Sino Ang Baliw! con tus amigos.


Que tal te parece Sino Ang Baliw de Kuh Ledesma?
Pesima
Mala
Regular
Buena
Excelente